Monday, April 04, 2005

Paalam Pope John Paul II

It is sad to know that the pope whom I've known to be the 'pope' ever since na namulat ako dito sa daigdig ay pumanaw na.

Parang kahapon lang ng pumunta sya rito sa atin sa Pilipinas...nasa elementary pa lang ako nun. Although wala akong gaanong alam sa mga ganung bagay...nakakatuwa namang isipin na may espesyal tayong puwang sa puso ng santo papa.

Iba talaga kasi ang aura ni Pope John Paul II. Mukha nya pa lang, parang ang bait-bait na. Parang may kakaibang liwanag na nag-eemanate sa kanya habang sya ay naglalakad.

Ngayon tuloy, ang tanong ay..sino kaya ang susunod na Pope? Magiging katulad kaya sya sa santo papa na kinamulatan ko na?

Sino man ang maging sunod na santo papa, sana lang maging epektibo rin sya na pagkaisahin ang mga tao iba-iba man ang relihiyon ng mga ito. Sana rin, magkaroon din ng puwang ang mga Pilipino sa puso nya.

No comments: