Wednesday, February 16, 2005

"...You'll Be Safe Here..."

Yes...nakapagFair din ako kagabi. Libre kasi yung ticket coz we're the booth handlers last night - taga-paypay ng usok, hehe.

Anyway, masaya naman ang lahat. Before midnight eh ubos na agad yung tinda namin. Although nakakapagod nga talaga ang aming ginagawa, oks lang din kasi masaya kami at nag-eenjoy. Dami pa kaming nakikitang mga 'cute' na gumagala-gala at minsan ay bumibili rin sa amin. Sulit na agad pagod namin nun!

Nung mga bandang midnight na, we were able to roam around the fair grounds. After a while narinig na namin yung boses ni Rico Blanco kaya ayun, care kung mawala ang poise basta dagsa kami sa mejo malapit sa stage para mag-enjoy. Ang ganda kasi maraming kinata yung Rivermaya...may 214, Ulan, LIwanag sa Dilim... to name a few.

Tapos nung kinanta nila yung recent nilang song...You'll Be Safe Here", grabe ang hiyawan ng mga tao, kasama na rin ako dun, hehe. But then, biglang nagkaroon ng parang commotion sa bandang gitna ng crowd kaya instintively eh tumakbo na rin kami ng mga kasama ko papalayo - wala nang pakialam kung may mabangga man kami along the way. Talagang hawak kamay kaming tatlo habang tumatakbo papunta sa safer grounds nang takot na takot. Although hindi clear kung ano ba talaga yung cause nun, natatawa na lang kami right after ng pangyayari kasi sinabi ng lead vocalist na...

"...Balik!... Balik!..." Tapos sabay kanta ng last line ng song na "...You'll Be Safe Here..."

HAH!!! Yan tuloy, parang feeling namin eh gimik lang lahat yun para magkaroon ng impact yung kanta. Ni-ruin pa naman nun yung moment na pagkaganda-ganda.

Oh well, ganun pa man, nag-enjoy pa rin ako at hindi ko yun makakalimutan. Sayang nga lang at hindi ko napanood yung Parokya nung Monday...hehe

No comments: