Saturday, February 19, 2005

Drama 101

Paano ba ang mag-isa?

sa dako pa roon ng mundo,
gising, abala ang mga tao.
ako, naririto sa sulok ko,
kapiling ang sariling anino.

Ito nga ba ang pinangarap ko?
Mamuhay ng taliwas sa inyo?
Normal lang naman kung susuriin,
Pero di nararapat sa akin.



Paano ba ang mabigo?


Sadyang mapait na karanasan,
Di makamit inaasam-asam.
Buhay na puno ng mga pighati,
Nakangiti na may pagkukubli.

Di nga ba't sa bawat kabiguan,
Sa di kalayua'y katiwasayan?
Ngunit tila sadyang sawimpalad,
Pag-inog ng buhay ay makupad.



paano ba ang umiyak?

tanong na tiyak batid ng lahat,
At nilalabanang isiwalat
pagkat damdami't isipa'y hapo,
pagluha ang siyang tanging luho.

Sa pagsubok at unos ng buhay,
Kaligayaha'y nais makamtan.
Pawiin ang bagabag at lumbay,
Nang pag-asa'y muling masilayan.

________________________________
Paunawa:
pagpasensyahan ang mga tula sa itaas. Ito'y likha lamang ng may-akda nung mga panahong siya ay wala sa sariling kamalayan.

No comments: