Wednesday, February 09, 2005

Pathetic...

Bakit ganun... Bakit di pwedeng maging simple lang ang lahat? Bakit kailangan pang magkakaiba ang isa't isa...

Today is our graded thesis presentation. Halos wala naman akong ginawa kanina since yung isang groupmate ko ang nakakaalam ng lahat. But on the contrary, ako ata etong pagod na pagod. Tensyonado kasi kami the whole time dahil di gumagana yung dapat naming ipresent. Worse is, hindi pa ko naglunch. Quick breakfast lang tapos sugod na agad sa NEC. Yung presentation pa naman namin kanina ay 1-4 pa...

Parang gusto ko nang sumuko, magwala, mag-evaporate... Mas nakakapagod pala kasi kapag marami kang gustong mangyari at gawin pero di mo magawa ay wala kang means para gawin yun... Nakakadisappoint. Naiinis ako sa sarili ko, sa sitwasyon ko, sa mga pangyayari, sa lahat-lahat...

Tanong sa sarili ay "Bakit ako nagkakaganito? Saan, saan ako nagkamali?..."

Though sadyang malungkot ako ngayon, I still noticed something na medyo natuwa naman ako. Ash Wednesday kasi ngayon kaya I made it a point na makapagsimba. Nung naglalagay na ng sign of the cross na abo yung pari at mga lay ministers, may isang pila na parang napapangiti ang mga nakapila roon. Nung tingnan ko sa unahan, nalaman ko ang dahilan. Sobra kasing dark yung inilalagay ng isang lay minister na sign of the cross sa noo ng mga nakapila dun. Dark na nga, medyo may kalakihan pa sya. Kaya naman halos bawat nakapagpalagay na nun, di pa man nila nakikita ang noo nila eh napapangiti na. Naiimagine na nila ang itsura nito based na rin sa mga naunang nagpalagay din...

Hay naku... 'pathetic' na nga ata ako...

1 comment:

Patrickman said...

good luck sa atin sa thesis!!!

http://patrickman.blogdrive.com