Wednesday, March 23, 2005

ME: A Sentimental Friend

Grabe, nakakaloka talaga!

I just found out this afternoon na one of my 'bestfriends' has already found her special someone. Matagal na pala sila, ako na lang ata ang hindi nakakaalam.

Hindi naman ako nagtatampo or whatsoever... Sad lang naman dahil I've just realized na di na ko updated sa mga buhay-buhay ng mga tao. Sheesh!...ganito na ba kalala ang pagiging loner ko?

I even got the info from our high school friend and classmate who just recently graduated in Electrical Engineering. The funny thing is that I greeted him on their graduation day. Tapos hindi nya ba naman alam number ko! Kaya ayun hindi ko na lang din nireply - nagtampo ako, okei.

Tapos, just this afternoon, aba'y tumawag ba naman para lang alamin kung sino nga ako. Hindi ko pa nga binubuking sarili ko, alam nya na raw kung sino ako based na rin sa boses ko. Buti naman, hindi nya pa limot tono ng boses ko. Kundi...nakow! hehehe.

So ayun, wala na kong magagawa, buking na. Kaya kwentuhan to the max na kami at included dun yung bagong love life ng kaibigan ko.

Haay, buhay nga naman...

Wish ko lang din makauwi ako this holy week for a much needed break. Kailangan rin kasing magrecharge bago sumabak muli sa mga nagdaramihang mga exams. Kaso imposible yatang makauwi pa ako.

But then again, I will still wish na makauwi ako Ü

No comments: