Thursday, January 06, 2005

Welcome, The Year of Wooden Rooster!

New Year na!!! year 2005 -the year of the wooden rooster. Halata ba sa blog ko ang pagcecelebrate ng new year? I-notice nyo naman... puno ng bilog, hehe... Para raw walang hanggan ang pagdating ng swerte at pera. Wala namang masama kung i-observe natin yun di ba?

Happy ba ang start ng new year nyo? Ako, ayos lang... kaso sa first week ng klase ko aba'y binulaga agad kami ng mga thesis partners ko ng sermon ng aming pinakamamahal na si sir Feria. What a way to start the year! Tapos bigay agad ng mga problem set ang mga teachers. Wala man lang konsiderasyon... Di man lang nila inisip na 'high' pa ako sa bakasyon grande ko (lagi na lang ako, ako, ako...).

On the good side of the story, panolo ang granny goose nung tuesday versus AMP Ateneo. Sad nga lang at di ko napanood yung game kahit sa tv man lang. Dalawang OT pa naman daw ang nangyari bago sila tuluyang nanalo. Sayang talaga at di ko yung napanood... Sa Ateneo Gym pa naman yung laro-isang jeepney ride lang yun from UP. Buti na lang at my dear friend Tins kept me updated about the game through text. Thanks talaga sayo Tins! Kaso naman, umiksena pa ang cellphone ko-nalowbat. Kaya ayun, later in the evening ko pa rin nalaman ang magandang balita kasabay ng pagbabuddy-date or shall I say group date namin nina Ging with other UP Mayon Apps and Tins (an Alumnae).

Pero subalit, datapwat, gayunpaman, uwi ulit ako sa amin this weekend. Albay yun ha. Malayu-layo rin yun tapos matagal ang byahe. By bus lang kasi kaya ko eh...wala pang trabaho para kayaning magplane. Pero oks lang kahit matagal ang byahe dahil makakakain ulit ako ng masasarap. Pista kasi samin, at invited ko kayo kaso di ko shoulder pamasahe nyo ha. Pagkain lang, hehe

No comments: