I felt a surge of nervousness and I panicked the moment I opened my UP webmail account. Most of the time kasi, I hardly open it since it's not my frequently used account.
But today, it created an impact in my not-so-busy life. Our thesis advicer had posted to our class groups that we will have our graded presentation in two weeks! Mind that... eh hindi pa nga ata ayos yung database namin c/o Carlo the whiz kid (ei carlo, kung magawi ka man dito, sana tapos na ang database ha..hehe). Tapos halos kami na lang ata yung di nagpost sa provided list ng mga magpepresent. Sobrang sign na obviously eh hindi pa talaga kami handa.
So, ayun... message agad ako sa mga groupmates ko namely Patrick aka Joms and Carlo. Dahil sa mga reply nila na kakayanin daw namin ito, medyo mabuhayan ako ng loob. Kasi kung ako, parang di ko na to kaya given that I have limited resources para magawa ng madalian ang ganitong klase ng project. Hanggang 9pm lang naman ang lab so hindi talaga kami pwede makapag-overnight para rito. Buti pa yung ibang group na nasa Computer Center at technopark allowed. Kami eto, at nasa mercy ng mga nagbabantay sa NEC.
Please... sana po bigyan nyo kami ng suporta, lakas ng loob at linaw ng isipan para makayanan namin ito. Sabi nga pala ni Carlo, okay lang daw yun (with the smiling U pa, hehehe). Iba nga talaga ang mga taong inspired. Sana nga lang ay mahawaan nya rin kami.
On the other side of my story, wala ng pag-asa makapasok sa finals ang paborito kong basketball team. Natalo kasi sila ng may player-assistant coach na mahilig sa kopimeyt, mayayabang at maraming-hakot-na-fans na team. Okay lang. Ang mahalaga, nakapasok ang team namin sa semis on it's maiden year sa league. That's already a big achievent, right? Pagbigyan na muna ang mga matatanda, hehe... Ang pitong taon nang nasa league kaya uhaw sa championship.
Oo nga pala, I have to buy loads of caffeinated (di ako adik ha..) drinks like coffee dahil ilang araw itong walang tulugan para lang makagawa ng presentable na thesis. But one thing's for sure, di ko yun lalagyan ng kopimeyt. 3-in-1 na agad bibilhin ko. Baka Maxwell na lang para lakas-tama. Syempre, kailangan rin ng makakain. Perfect ang Granny Goose barbecue/cheese chips dito!
No comments:
Post a Comment