We celebrate the feast of Sagrada Familia every first Sunday of January. Actually, dapat last week yun ng December kaso minove daw para di mapagitna sa Christmas at new year.
Lots of preparations are done even weeks before the activity. Novena and processions are conducted nightly for almost a week. Every purok also manages to put up 'banderitas' along the road that even made the event noticeable to all passersby.
Our fiesta is a one-of-a-kind celebration dahil halos tatlong araw itong ipinagdiriwang – may ante-bispera, bispera, at ang araw na ng pista. Minsan nga, may post-fiesta celebration pa. Sa bahay, kapag ante-bispera na, yun yung last clean-up day. Sa araw ng bispera which is a Saturday, magsisimula na magsidatingan ang mga regalo galing sa iba’t-ibang tao. Dumarating na rin ang mga tutulong sa pagluto. It is also the time that we bid farewell to our months-long raised pig. Ayoko talaga marinig yung hiyaw nun habang isinasabak sya sa execution chamber. Grabe…nakakaawa kasi. Kaso kung di nga naman gagawin yun, aba’y puro rekado lang ang aming maihahanda. Once na-execute na ang baboy, start na ang mga kusinero. Tadtad dito, chop-chop dun. At pagdating ng lunchtime, karne na agad ang ulam.
The part that I enjoy most is the night before fiesta. Sobrang busy kasi sa kusina sa pagluluto ng mga handa para kinabukasan. Observer lang kami – pero masaya dahil pinanonood naming kung pano niluluto ang iba’t ibang putahe. Bonding moment din naming yun ng mga pinsan at pamangkin ko. That’s the time that we enjoy the company of each other the most.

--> haggard looking me, dahil sa sobrang kapaguran sa kakasilbi sa mga nagdaramihang mga nakikipistaÜ
During fiesta day, maaga pa lang, may mga nagsisidatingan na. Kaya naman prepare agad ng breakfast. Since our house is just walks away from the capilla, most of the church-goers would pass by our house right after the mass. The thing is that, we didn't even know most of them. But what can we do? Pista eh! Sa dami ng mga tao, mayroong mga umuulit kumain. Ok lang sana kung kinakain yung mga kinukuha nila, but no! May mga dala silang mga plastic bags – binabalot nila yung mga pagkain. Pano na lang yung mga ibang darating pa? One time nga, may sinita na kami tapos ang nangyari pa, parang kami pa itong nahiya. Grabe talaga!
The good thing is, after some years of being shocked by the plethora of people entering our not-so-big house, we had devised a plan this year - everyone will be able to eat as long as they are seated properly. Hindi na rin buffet style kundi yung nakalagay na sa individual plate yung mga ulam. Kanin na lang ang kailangan nilang kunin. This system is only applied sa crowd na bigla na lang dadagsa sa bahay para maiwasan na rin ang gulo. Ang mga special guest ay pinapapunta naming sa isang room kung saan buffet na yung mode of serving.
Ganito ang pangyayari sa amin the whole fiesta day. Nakakapagod but at the same time eh nakaka-enjoy naman. Isinasaisip na lang naming na this is our way of giving back to the people what we have – parang offering ba… Sabi nga nina mama at papa, magpasalamat na lang tayo at nakakain tayo ng mga ito kahit kelan natin gustuhin compared sa iba. Probably it is just their first time to eat a good food after some time.
Our fiesta doesn’t end there dahil marami pang inuman sa gabi. My father orders cases of drinks para lang ipainom sa kung sino-sino. Dito di nagkakaintindihan sila ni mama, pero reason naman ni papa, ito lang daw yung katuwaan ng mga kalalakihan. Kya sige, pagbigyan…
Marami ng pista ang nagdaan pero once pa lang ata ako nag-imbita ng mga friends ko na pumunta sa pista namin. Kasi ba naman, sa dami ng tao, hindi ko na alam kung saan ko pa sila isisingit. Pero malay natin, baka next time at magkaroon kayo ng time, punta lang kayo sa bahay at gagawan natin ng paraan na ma-entertain ko kayo ng maayos, okay? Yun nga lang, bahala na kayo maghanap kung saang lupalop naroroon an gaming munting tahanan.
No comments:
Post a Comment