Monday, April 03, 2006

The Art of Anonimity

My acad life's not yet over. Not until I've taken that removal exam (which is still unsure if our teacher would grant us one) and verified the results of all my final exams. Mga next week pa yun, kaya a week pa ng pagpi-feeling nakabitin sa ere...

*Change topic*

Some unknown number texted me last saturday. I was kinda certain that the person knew me since he(or she) even mentioned my complete name plus my nickname. The problem is, I'm not sure who he is. Sa dami ba naman ng nakakaalam ng name ko, pano ko mati-trace yun...

Sa dahilang walang balak magpakilala yung nagtext sa akin kahit anong klaseng pangungulit ang gawin ko, at some point dumarating sa isip ko na sana si *** na lang sya or si ** kaya... hahaha! Kung ikaw man iyong nagttext sa akin at nababasa mo ito ngayon, aba! magpakilala ka na. Hindi kasi maganda ang laging anonymous, ahehe.

Naisip ko nga na baka part yun ng April fool's gimmick. Kaso dapat bago natapos yung araw na iyon, dapat nireveal nya na yung totoo para masaya, pero hinde e. Kaya tuloy napapaisip ako. Siguro kung malaman ko kung sino yun, instead na matuwa ako baka mas magalit ako sa kanya. Kaya kung ikaw nga yun, umamin ka na. Maigsi lang kasi pasensya ko sa mga gantong bagay. Ikaw din...

No comments: