Tapos eto pa. Yesterday, I promised my friends who're staying at BCDA Taguig that me and Neth will pay them a visit that day. They even prepared their famous 'stapeggi' just for us. Kaso, I forgot na may lab pala ko ng Saturday morning. Tapos may 2 consecutive game pa ang Mayon sa volleyball for Bicol Karawat in the afternoon. Eh kami pa naman ang star players ng org, nyehehe [Actually, nak ng #$@$! ang ibang tao kasi konti lang kaming willing maglaro for the love of thy org. First org ko to eh! ]
[flashback: same time last year, naglaro rin ako ng volleyball for Mayon, and that was the time that my foot got sprained..{sniff},{sniff} .
So ayun, we weren't able to have a taste of the prepared 'sgapetti' na umaga pa lang ata niluto na nila anticipating na darating nga kami. Sa inyo aking mga kaibigan...humihingi ako ng paumanhin. Sana lang hindi ito mag udyok sa inyo na maglabas ng gunting or at tuluyang nang putulin ang linya ng ating pagkakaibigan...
Actually we even tried na pumunta pa rin though it was late na. Kaso sobrang lakas ng ulan at sobrang pagod na talaga kami. Dalawang babae lang kasi kami sa team at sobrang gagaling pa ng kalaban namin especially yung mga Catandungan. Gusto na nga sana naming matapos agad yung game kaso pang-asar naman yung Saro. Though it was pretty obvious na kayang kaya nila kaming talunin, aba! pinaabot pa talaga nila sa set 3. Mejo may kasalanan rin naman ako kasi kung di ko inayos yung last serve ko malamang tapos na agad yung game. Anyway, salamat sa mga kateam namin...sina Jeff, Xian, Zen & Kits. Nakahabol din pala si Mitch for game 2. Oks lang kahit talo, masaya naman yung laro, hehe...
And later that night, while my housemates were watching Tigger the movie at home, I got really carried away by this song....
Pano ba naman kasi...I felt really really tired. Parang nasagad na yung pasensya ko...wala na kong lakas para harapin ang mga bagay-bagay headstrong. Onti na lang...onti na lang talaga, gigive-up na ko. Also, I miss my family and worse is...parang di man lang nagbubunga ang lahat ng mga ginagawa ko sa lahat ng bagay...sa mga mga changes na in-apply ko this sem...haaay.... Kaya naman habang pinapatugtog yun...sobra ang iyak ko. The song says it all kasi. Nakatulog na nga lang ako sa kakaiyak eh. Kaya naman paggising ko, aba! maga mata ko....nice talaga...
Pero after that night, parang ok na naman ako. Aral na ulit sa 2 major exams. Come what may, basta I'm doing my very best in everything that I do. I'll have no reason to regret.
1 comment:
i feel for you,dear...
but always remember when the going gets tough, the tough gets going. hehe parang kanta yun ah.
and you can never put a good man down...:)
and i have a forgiving heart, don't worry. i can't speak for the other one, though. hehe
i hold a grudge for maybe 24 hours but after that i'm okay...
Post a Comment